Kakayahang Lingguwistika

         Tumutukoy ang Kakayahang Lingguwistika sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972).
        Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965) ang kakayahang lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.

 Kakayahang Lingguwistika sa Wikang Filipino
   Kakabit ng kakayahang lingguwistika ng Filipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.
A. Mga salitang Pang-nilalaman
1. Mga Nominal
      A. Pangalan- nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop, at pook.
      B. Panghalip- pamalit o panghalili sa pangngalan
2. Pandiwa - nagsasaad ng kilos o nagbibigay buhay sa pangkat ng mga salita.
3. Mga Panuring
       A. Pang-Uri - nagbibigay turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
       B. Pang-abay- nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian
  1. Mga Pang-ugnay
      A. Pangatnig- naguugnay ng dalawang salita parirala o sugnay
  Halimbawa : at, pati, ni, subalit, ngunit
      B. Pang-angkop- katagang naguugnay sa panuring at salitang tinuturingan
  Hal. Na, ng,
C. Pang-ukol - nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
  Hal. sa, ng
2. Mga pananda
      A. Pantukoy - salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
  Hal. si, ang, ang mga
      B. Pangawing o pangawil- salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panag-uri
  Hal. ay
 Kakayang Diskorsal
 Kakayahang magbigay ng wastong interpretasyon sa mga napakinggang pahayag upang makabuo ng makabuluhang kahulugan.
Kakayang Istratejik
 kakayahan kung paano niya gagamitin ang wika sa iba't-ibang sitwasyon

          Ayon sa teoryang National -Function Syllabus ni David Wilkins ( Higgs at Clifford 1992 , sa badayos 1999)

  •          Upang matamo ang kakayahang komunikatibo kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtatalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian  ng wikang ginagamit sa teksto.



Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Heograpikal ng Varayti ng Wika at Gamit ng Wika

Wika