Heograpikal ng Varayti ng Wika at Gamit ng Wika
GAOD-KAISIPAN
Halina't tunghayan natin ang paksang "Heograpikal na Varayti ng Wika" Ano nga ba ito ?
Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika. Dahil ang pilipinas ay isang arkipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan, at napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi maiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama-samang naninirahan sa partikular na pulo o lugar.
Halimbawa: "Ang ibon"sa pilipino ay "langgam" naman sa sinugbuanong binisaya.
Ang ganitong pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba't-ibang lugar ay tinatawag na "heograpikal na varayti ng wika".Morpolohikal na Varayti ng Wika - Ito ang tawag sa pagkakaiba-iba sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi. Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba't-ibang lugar nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng salita na mga naninirahan sa mga ito.
Halimbawa : Salitang- Ugat : Bili
Panlapi : -Um-
Nabuong Salita : BUMILI
Ponolohikal na Varayti ng Wika - Ito naman ang tawag saang pagkakaiba-iba naman nito ay nasa bigkas at tunog.
Halimbawa :Often - /O-fen,/ vs. /of-ten/
Organization- /or-ga-ni-za-tion/ vs. /or-ga-ney-zey-tion/
Nike- /Nayk/ vs. /Nay-ki/
Nalaman na natin kung ano nga ba ang Heograpikal ng Varayti ng Wika. Ngayon dumako naman tayo sa gamit ng wika. Alamin nating kung ano nga ba ito ?
Phatic- ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan, mga pahayag na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapwa at mga ekspresyon ng pagbati.
Emotive - Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang ating nararamdaman ito ang gamit natin.
Expressive - Sa ilang usapin, personal man o panlipunan nababanggit natin ang mga saloobin, o kabatiran. ideya at opinyon.
Tungkulin ng Wika :
Ano nga ba ang iba't-ibang tungkulin ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao?
Ayon kay Halliday sa sariling eksplorasyon ng dulog sa gamit na paraan ng pag-aaral ng wika at pagpapanukula ng teorya ukol sa panlipunang tungkulin ng wika natuklasan niya sa simpleng obserbasyon sa mga yugto ng pagtatamo ng wika ng isang bata.
Instrumental- Layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga reperensya, kagustuhan at pagpapasya ng tagapagsalita.
A. Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga muna
B. Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay
Regulatori- Kakayahang makaimpluwensya na magkontrol sa pag-uugali ng iba.Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos at humiling sa kanyang kausap o sino man sa kanyang paligid.
Halimbawa : Sa Berbal na komunikasyon maaaring gamitin ang regulatori na tungkulin ng wika upang positibong hikayatin ang isang tao kung unang babanggitin ang knayang mga kalakasan maaarin din namang makasakit kung iinsultuhin gn isang tao dahil sa kanyang mga limitasyon,
Heuristiko - ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaaalaman ukol sa kapaligiran
Halimbawa ; Anong nangyari? Para saan? Bakit mo ginawa yun ?
Sang-ayon ako sa mga nasabi sa post na ito. Talaga nga namang kailangan natin pagpahalagahan ang wika diba? Dagdagan pa ang inyong kaalaman tungkol sa barayti ng wika at bumisita sa takdngaraling.ph
TumugonBurahin