Wika
Ano nga ba ang wika ? Marami sa ating mga pilipino ang nagtatanong ano nga ba ang wika saan ba ito nagmula ? Maraming katanungan ang nabubuo sa ating isipan na hinaanapan nating ng kasagutan sa arailing ito malalaman natin ang kabuuang kaalaman patungkol sa wika ? Halina't ating tuklasin.
MGA TAONG NAGBIGAY PAGPAPAKAHULUGAN SA WIKA
- HENRY GLEASON- ayon sa kanya ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura
- BERNALES- ang wika ay proseso ng pagdadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolong cues.
- MANGAHIS- may mahalagang papel na gingampanan ang wika sa pakikipgatalastasan
- PAMELA CONSTANTINO AT GALILEO SAFRA- ang wika ay kalipunan ng mga salita at pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap angisnag grupo ng mga tao
- BEINVENIDO LUMBERA- ang wika ay parang hininga
- ALFONSO SANTIAGO- ang wika ay sumsalamin sa mga mithiin, pangarap, damdamin, kaisioan, saloobin at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
- UP DIKSYUNARYONG FILIPINO- ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito nalganap sa isang sambayanan.
- DR.JOSE RIZAL- ang wika ay kaisipan ng mamamayan.
Ngayon alam na natin kung ano ba ang wika . Tayo naman ay tumungo sa kahalagahan, katangian at kalikasan ng wika .
Kahalagahan ng wika
1.Pakikipag-ugnayan sa tao at sa bawat bansa sa daigdig2.Naipapakilala natin ang ating kultura
3.Instrumento sa komunikasyon
4. Nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng karunungan.
Kalikasan ng wika
1. Pinagsama-samang tunog2.May dalang kahulugan
3.May ispelling
4.Sistemang oral-aural
Katangian ng wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas2. May lebel o antas
3.Ang wika at kultura ay magkabuhol
Ngayon alam na natin ang mga katangian at kahalagahan ng wika . May isa pa saan nga ba galing ang salitang wika ? Halina't ating tunghayan.
-Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan
-Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan
-Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig.
-Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika
-Nag-uagat ang salitang wika mula sa wikang malay
-Samanatalang nagmula sa kastila ang isa pang katawagan sa wika : ang salitang lengguwahe.
-Sa salitang lingua ng latin, na nangangahulugang dila, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog. Ang pagkakaroon ng wika ay marahil na nagsimula ng genus na Homo mga apat o limang milyong taon na ang nakalipas. Maaaring noong pagsilang ng modernong tao, ang Cro-magnon, mga 125,000 taong nakalipas. Maaaring ang Neanderthal ang unang nakapagsalita .
Teorya sa pinagmulan ng wika
- Teoryang Bow-wow- ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog sa kalikasan . Hal. Ihip ng hangin
- Teoryang Pooh-Pooh - Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito nang hindi sinasdaya ay napbulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, kalungkutan at iba pa.
- Teoryang Yo-he-ho - Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
- Teoryang ta-ta - Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita
- Teoryang Ding-Dong - Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa paligid. Hal, TIKTAK NG ORASAN
- Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay -Likas sa mga sinaunang tao ang mgaritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda,at iba pa. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna'y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba't-ibang kahulugan.
Kasaysayan ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa
A. Ang alibata- Dan taon labing anim, mayroon nang ginagamit na alpabeto ang ating mga ninuno. Binubuo ito ng labing pitong simbolo na kumakatawan sa mga letra : 14 na katinig, at 3 patinig. Tinatawag itong alibata o baybayin.
B. Ang Abakadang Tagalog - ang Alpabetong tagalog ay binuo ni Lope K. Santos nang kanyang sulatin ang balarila ng W.P noong 1940
Ang Abakadang Tagalog ay binubuo ng (20) dalawampung letra lima ang patinig(a,e,i,o,u) at labinlima ang katinig : b,k,d,g,h,l,m,n,ng,p,r,s,t,w,y
C. Bagong Alpabetong Filipino -
- sa bisa ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 1994 s.1976 ng kagawaran ng edukasyon at kultura, pinayaman ang dating Abakada.
D. 1987 Alpabetong Filipino - nagsagawa ng simposyum ang linangan, napagkaisahan na ang alpabetong Filipino ay bubuin na lamang ng (28) letra : A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z maaaring tawagin sa dalawang paraan : pa-abakada o pa-Ingles Ang 8 dagdag na letra ay C,F,J,N,Q,V,X,Z
E.2001 Rebisyon ng Alpabetong Filipino - Sa ika-apat na pagkakataon muling nirevisa ng KWF ang Alpabetong Filipino pati ang mga tuntunin sa pagbaybay nito, pinaluwag sa 2001 alpabeto ang gamit ng 8 dagdag na letra. Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s.2001. Inilunsad ang 2001 revisyon ng alpabeto at patnubay sa ispelling ng wika noong Agosto 17, 2001 na may lagda ng pangalwang kalihim Isagani R. Cruz . Ang Alpabeto ay binubuo pa rin ng (28) letra at bibigkasin gaya ng alpabetong Ingles.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento