Ang Komunikasyon


         Kasangkot ng pinakapayak na prosesong komunikatibo ang apat na salik ; ang tagapagsalita, ang mensahe, ang tsanel at ang tagatanggap. Komunikasyon ang instrumento ng isang tao upang maihatid ang kanyang kaisipan. Maaaring makipagkomunikasyon gamit ang bibig(pasalita) o mga simbolong nakatala sa papel(sulat).

     
         Mahalaga ang komunikasyon, sapagkat nakatutulong ito upang matamo ang mga sumusunod :

  • Pagkakaunawaan
  •  Kaalaman at Karunungan
  • Pakikipagpalitan ng Kaisipan



                          Dalawa ang uri ng komunikasyon na ginagamit ng tao upang magkaunawaan :          
     Di-Verbal - mahalagang salik sa pamamaraang ito ang mga kilos o galaw ng katawan at mga bahagi nito. Sensyas ang kasangkapan upang maipabatid ang mensahe, madalas na may napagkasunuduan o tinatanggap nang pagpapakahulugan sa mga ito.

          Halimbawa : iling ng ulo- hindi pagsang-ayon, pagtanggi
                                pagtaas ng hinlalaki- aprubado, magaling ang inilahad


Image result for di berbal
Image result for di berbal halimbawa

         Alam natin na ang Di- Berbal na pakikipagkomunikasyon ay ang paggamit ng mga bahagi ng ating katawan sa pakikipag-usap o paghahatid ng mensahe. Lingid na sa ating kaalaman na ito ay isang napakahalagang aspeto sa pakikipagkomunikasyon lalo na sa mga taong may problema sa pagsasalita. Narito ang mga mahahalagang detalye upang mas magkaroon tayo ng marami at mas malalim na pagpapkahulugan sa komunikasyong di-berbal.

Bakit nga ba mahalaga ang komunikasyong di-berbal ? Bakit nga ba ? Narito ang kasagutan .

  •  Una nakakatulong ito sa paglalantad ng emosyon o damdamin ng isang tao.
  • Pangalwa nakapagbibigay linaw ito sa mga pakahulugang nakapaloob sa mensahe.
  • Pangatlo, napapanatili ang proseso ng palitan, ng isang tunkuling saykilikal sa pagitan ng mga kalahok ( tagatanggap at tagahatid).
      Iyan ang dapat nating isaisip, ang kahalagahan ng komunikasyong berbal ay may hatid sa ating kapakinabangan hindi lang sa aitng sarili pati na rin sa buong sambayanan.
    Narito ang mga bahagi ng katawan na Nagbibigay Mensahe.

  • Mukha - ang pagiging huli sa isang tagpuang pangnegosyo ay may implikasyon na ang taong nahuli ay walng matinding kawilihan sa pagkikita.

               1. Masel ng noo- nagpapagalaw sa mata, kilay, ilong

               2. Masel ng Baba
               3. Masel ng pisngi at bibig
Ang mukha rin ang nakakatulong sa pagtukoy ng kinilala nina Eksman at Friesen(1975) bilang anim na batayang emosyon ng tao :
1. Pagkainis
2. Kasiyahan
3. Kalungkutan
4.Takot
5.Gulat
6.Galit

  • Mata 
 -Sa pamamagitan na mata ay nadarama at nakikilala ng kausap ang antas ng kawilihan ng kausap.
-Ang pag-iwas ng mata ay maaaring tumutukoy sa mga sumusunod na mensahe o pakahulugan : kawalan ng interes o kabatiran sa paksa o ang pagkakaroon ng baay na inililihim o itinatago ukol sa kausap.
  • Mga Braso at Kamay 

Ang kilos ng braso at kamay ay mauuri sa mga sumusunod;
1. Regulative - nagbibigay ng paguutos
2. Descriptive - naglalarawan sa anyo batay sa laki, haba, ikli, o hugis ng isang bagay
3.Emphatic - ito ang nagpapakilala sa damdamin ng tagapagsalita, katulad ng mensaheng ipinararating ng kuyom ng palad.

  • Pagtindig
       -ito ay sinasabi ring ''tikas ng tagapagsalita"
       -kasama rito ang paglakad, paraan ng pagtayo, at pagkilos habang nakatayo.

       Mahalagang alam natin ang mga ito dahil ang komunikasyong berbal ang nagsisilbing pamalit o panghalili sa isang salita o parirala. Nagsisilbi rin itong taga-kontrol sa daloy ng pag-uusap ang ekspresyong pisikal ng mga kalahok. Dapat isaalang-alang natin ang maaaring epekto ng paggamit ng bahagi ng ating katawan sa pakikipag-usap sa mga tao ng sa gayo'y maging maayos ang ating pag-uusap. At magsilbi itong daan sa mabisa at maayos na pakikipagpalitan ng ideya sa iba.

Ang Komunikasyong Berbal at Pagpapakahulugan sa mga salita
  • Verbal ito ang komunikasyong ginagamitan ng wika. Maaari itong pasulat o pasalita. Madalas itong gamitin sa pakikipagsalamuha o interaksyong pantao.
                         Halimbawa : pagkukuwento/pagsasalysaypakikipagtalo
                                               mga nakatalang akdta tulad ng kuwento o dula nobela at iba pa.


Image result for berbal halimbawa
Image result for berbal na komunikasyon 


  •   DENOTASYON - Ito ang kahulugan ng salita batay sa konseptong taglay nito.
  •   KONOTASYON- Ito ang pagbibigay kahulugan sa salita batay sa pang-unawa , damdamin at ideyang nauunawaan na maaaring positibo o negatibo ang pagpapakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe.

Uri ng Komunikasyong Berbal 
  • Komunikasyong Pampubliko : ang isang tagapagsalita ay may layuning maglahad ng mga kaalaman o kaya'y humimok upang kumilos nang naaayon sa kanyang paniniwala. Halimbawa nito ang mga patalastas o anunsyo.
  • Komunikasyong Pangmadla- sa Ingles ito ang tinatawag na mass media. Kasangkapan ng ganitong uri ang mga makinarya na siyang daan sa paghahatid ng impormasyon at kaalaman. Ilan sa mga halimbawa nito ay radyo, telebisyon at pahayagan.
  • Komunikasyong Intrapersonal : ang gawaing kinasasangkutan ng pakikipag-usap sa sarili, kilala rin sa katawagang "self-talk".
  • Komunikasyong Interpersonal : ito ang pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng mensahe sa paraang berbal o di-berbal.

  1. Epektibong Paggamit ng Berbal na Mensahe
  2.           Upang epektibong magamit ang wika, mahalagang matukoy natin ang mga “conceptual distortion” tulad ng mga maling pag-aakala, lihis na paniniwala, mga maling pangangatwiran, maling pagpapakahulugan sa tuwing tayo ay nakikipagtalastasan at palitanangmgaitongtiyak at wastong pamamalagay ukol sa wika.
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
  • Ayon kay Dell Hymes( Bernales,et al,2002)
            - Kailangang isaalang-alang ang isang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginagamit niya ang akronim sa SPEAKING
Ito ay may limang kategorya: Pagtanggap, Pagtugon, Pagpapahalaga, Pag-oorganisa at karakterisasyon.


        Ang komunikasyon ay dapat nating bigyang pahalagahan upang maging mabisa at maayos ang ating pakikipag-usap. Dapat nating isaalang-alang ang mga bagay na alam nating makakatulong sa atin.



                       



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kakayahang Lingguwistika

Heograpikal ng Varayti ng Wika at Gamit ng Wika

Wika