MUNGKAHI SA WIKANG FILIPINO

WIKANG FILIPINO PAUNLARIN AT PAGYAMANIN sa MODERNONG            PANAHON              
         
Wikang Filipino tinatangkilik pa ba o isinasawalang bahala      na ng iba ? Sa modernong panahon ngayon lingid na sa ating kaalaman na ang wikang filipino ang pambansang wika ng ating bansa ito ang nagpalaya sa atin sa  kamay ng dayuhan. Wikang filipino ang susi sa ikauunlad ng ating bayan ito ang liwanag ng ating bansa ito ang daan tungo sa pagbabago. Ngunit pagbabago ay andyan na mga teknolohiya'y umusbong na siyang ginagamit ng mga tao sa kasalukuyan. Mga bagong salita'y umusbong na din andyan na ang balbal, gay lingo at iba pa. 
                 Sa larangan ng komunikasyon marapat nating bigyang pansin ang nangyayari sa ating wika sapagkat kung ating mapapansin ang wikang filipino'y maraming pagbabago, mga matatalinghagang salita'y tuluyan ng naglaho at kunti nalang tumatangkilik. Ibig ng lahat na magkaroon ng pagkakaisa ang bawat mamamayang pilipino, ngunit nasaan ? Isipin nating mabuti ang kahihinatnan ng ating wika kung hindi natin ito tatangkilikin. Sa modernong panahon malinaw sa ating lahat na ang wika ang instrumento tungo sa mabisang pakikipakomunikasyon ito ang sining sa ating pagsasalita, kaya sa panahon ngayon isapuso at isaisip natin na ang wikang filipino ay ating paunlarin at pagyamanin marami mang nagbago dala na rin ng pagbabago sa lipunan. Sa paggamit ng media tulad nalang sa broadcasting nabibigyan natin ng pagpapahalaga ang wika sapagkat sa pagiging isang reporter dapat ang wikang ating ginagamit ay angkop walang negatibo ito dapat ay organisado. Ang mga kaalaman na nakakalap natin araw-araw sa paaralan man o kahit saan , nariyan ang wikang filipino na dala dala natin saan man tayo pumunta. Isa pa ang paggamit ng mga balbal na salita ay maituturing nating pagbabago sa wika halimbawa nalang nito sa pagtetext gamit ang telepono mapapansin natin na nagkakaroon na ng kakulangan sa mga letra at nababago na ang pagpapakahulugan dito. Simula ng mamulat ang ating mata sa teknolohiya dito na nagsimulang umusbong ang pagbabago sa wika. Ngunit ito'y isang malaking oportunidad upang mas maging malawak ang kaalaman natin sa wika. Marami mang pagbabagong naganap sa ating wika dapat tangkilikin, pagyamanin, at paunlarin natin kasabay ng pag-unlad ng ating bansa.
               Isigaw natin ang wikang filipino, itaas at iwagayway ang ating kamay at magkaisa tungo sa kaunlaran ng wikaang filipino. Wikang filipino ang nagsisilbing ugnayan ng bawat tao sa lipunan, sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan. Linangin ang kahalagahang hatid nito at ibahagi sa iba upang wukang filipino ay lumawak.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kakayahang Lingguwistika

Heograpikal ng Varayti ng Wika at Gamit ng Wika

Wika