Register ng Wika

Register bilang Espesyalisadong Termino    
               
                Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cellphone ay ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin din kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito. 
                 Halimbawa : Ang Spin sa Washing Machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa Cellphone ay tumutukoy sa ipinapadalang mensahe. Samantala, sa literatura ang text ay tumutukoy sa ano mang nakasulat na akda gaya ng tula, alamat atbp. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o termino ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.

                Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang tipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't-ibang kahulugan sa iba't-ibang larangan o disiplina. Isa pang halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may kahulugang "puhunan" sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang "punong lungsod"o "kabisera" sa larangan ng heograpiya.
                 Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer at iba pa.  Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't-ibang larangan o disiplina. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit sa iba't-ibang larangan o disiplina.  Ang register ay itinuturing na isang varayti ng wika.

           Marapat na alam natin ang register ng wika ng sa gayo'y makatulong ito sa ating pangaraw-araw na pamumuhay at maging suhay ito upang mas lalong maging mabisa ang ating pagsasalita at sa paggamit nito sa iba't-ibang larangan o disiplina. Kalakip natin ito sa paggamit sa bawat salitang ating binabanggit, at pakikisalamuha sa ibang tao. Mangyaring ito ay mapagyaman at mapalawak dahil sa mga termino ating ginagamit dito natin malalaman ang kaimportansyahan nito.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kakayahang Lingguwistika

Heograpikal ng Varayti ng Wika at Gamit ng Wika

Wika