Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2017

Wika

Imahe
      Ano nga ba ang wika ? Marami sa ating mga pilipino ang nagtatanong ano nga ba ang wika saan ba ito nagmula ? Maraming katanungan ang nabubuo sa ating isipan na hinaanapan nating ng kasagutan sa arailing ito malalaman natin ang kabuuang kaalaman patungkol sa wika ? Halina't ating tuklasin. MGA TAONG NAGBIGAY PAGPAPAKAHULUGAN SA WIKA      HENRY GLEASON-   ayon sa kanya ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura       BERNALES - ang wika ay proseso ng pagdadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolong cues.       MANGAHIS - may mahalagang papel na gingampanan ang wika sa pakikipgatalastasan      PAMELA CONSTANTINO AT GALILEO SAFRA - ang wika ay kalipunan ng mga salita at pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap angisnag grupo ng mga tao     BEINVENIDO LUMBERA - ang wika ay parang hininga     ALFONSO SANTIAG

Kakayahang Lingguwistika

Imahe
         Tumutukoy ang Kakayahang Lingguwistika sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972).         Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965) ang kakayahang lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.   Kakayahang Lingguwistika sa Wikang Filipino    Kakabit ng kakayahang lingguwistika ng Filipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino. A. Mga salitang Pang-nilalaman 1. Mga Nominal       A. Pangalan- nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop, at pook.       B. Panghalip- pamalit o panghalili sa pangngalan 2. Pandiwa - n

Heograpikal ng Varayti ng Wika at Gamit ng Wika

Imahe
GAOD-KAISIPAN        Halina't tunghayan natin ang paksang "Heograpikal na Varayti ng Wika" Ano nga ba ito ?    Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika. Dahil ang pilipinas ay isang arkipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan, at napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi maiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama-samang naninirahan sa partikular na pulo o lugar.  Halimbawa: "Ang ibon"sa pilipino ay "langgam" naman sa sinugbuanong binisaya.    Ang ganitong pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba't-ibang lugar ay tinatawag na "heograpikal na varayti ng wika".    Morpolohikal na Varayti ng Wika - Ito ang tawag sa pagkakaiba-iba sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi. Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba't-ibang lugar nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng salita na mga naninirahan sa mga

MUNGKAHI SA WIKANG FILIPINO

Imahe
WIKANG FILIPINO PAUNLARIN AT PAGYAMANIN sa MODERNONG            PANAHON                         Wikang Filipino tinatangkilik pa ba o isinasawalang bahala      na ng iba ? Sa modernong panahon ngayon lingid na sa ating kaalaman na ang wikang filipino ang pambansang wika ng ating bansa ito ang nagpalaya sa atin sa  kamay ng dayuhan. Wikang filipino ang susi sa ikauunlad ng ating bayan ito ang liwanag ng ating bansa ito ang daan tungo sa pagbabago. Ngunit pagbabago ay andyan na mga teknolohiya'y umusbong na siyang ginagamit ng mga tao sa kasalukuyan. Mga bagong salita'y umusbong na din andyan na ang balbal, gay lingo at iba pa.                   Sa larangan ng komunikasyon marapat nating bigyang pansin ang nangyayari sa ating wika sapagkat kung ating mapapansin ang wikang filipino'y maraming pagbabago, mga matatalinghagang salita'y tuluyan ng naglaho at kunti nalang tumatangkilik. Ibig ng lahat na magkaroon ng pagkakaisa ang bawat mamamayang pilipino, ngunit nasaan

Register ng Wika

Register bilang Espesyalisadong Termino                                      Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cellphone ay ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin din kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito.                   Halimbawa : Ang Spin sa Washing Machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa Cellphone ay tumutukoy sa ipinapadalang mensahe. Samantala, sa literatura ang text ay tumutukoy sa ano mang nakasulat na akda gaya ng tula, alamat atbp. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o termino ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito.  Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.        

Ang Komunikasyon

Imahe
         Kasangkot ng pinakapayak na prosesong komunikatibo ang apat na salik ; ang tagapagsalita, ang mensahe, ang tsanel at ang tagatanggap. Komunikasyon ang instrumento ng isang tao upang maihatid ang kanyang kaisipan. Maaaring makipagkomunikasyon gamit ang bibig(pasalita) o mga simbolong nakatala sa papel(sulat).                Mahalaga ang komunikasyon, sapagkat nakatutulong ito upang matamo ang mga sumusunod : Pagkakaunawaan  Kaalaman at Karunungan Pakikipagpalitan ng Kaisipan                           Dalawa ang uri ng komunikasyon na ginagamit ng tao upang magkaunawaan :                Di-Verbal - mahalagang salik sa pamamaraang ito ang mga kilos o galaw ng katawan at mga bahagi nito. Sensyas ang kasangkapan upang maipabatid ang mensahe, madalas na may napagkasunuduan o tinatanggap nang pagpapakahulugan sa mga ito.           Halimbawa : iling ng ulo- hindi pagsang-ayon, pagtanggi                                 pagtaas ng hinlalaki- aprubado, magaling ang in